A TRUE BLOODED BATANGUENO

By Allan Elopre

“Each one should use whatever gift he has received to serve others, faithfully administering God’s grace in its various forms.” 1 Peter 4:10

Allan Elopre grew up in the Municipality of Cuenca, Batangas and is now residing in Sta. Rosa City, Laguna. When he heard the news about the Taal Eruption, he immediately thought of his hometown and tried to find ways on how he could help. Let us hear his story of volunteerism and love.

"Sa panahon ng pagsubok tulad ng pagputok ng Bulkang Taal, ito ay naging daan sa aming pamilya para makatulong sa mga may mabubuting kalooban din na nagbahagi ng mayroon sila tulad ng goods, pera, damit, at marami pang iba. Ramdam namin ang pangangailangan nila ngunit bakas pa din sa mukha ng mga naapektuhan ang pag-asa sa kabila ng pangyayari. Ayon sa mga nasalanta ay pasasalamat pa din sa Diyos na nangyari ng may liwanag pa ang pagputok at hindi sa gabi kung saan mahimbing na ang kanilang pagtulog.

Sa totoo lang, bumabaha ng biyaya. Maraming relief goods ang dumadating kaya naging mabilis din ang aming pagtulong. Para sa akin, ito ay tanda na tayo ay pinagbubuklod ng awa at pagmamahal ng Diyos.

Sa aming pagbisita, kami ay tinatanong ng mga nasalanta, "Paano kami magsisimula?". Hindi din kami sigurado kung paano oero ang tangi naming naisasagot ay "May awa po ang Diyos." Dahil sa mga nangyari, ako ay naniniwala na patuloy na pagbibigay ng pag-asa at panalangin ang kanilang kailangan. At bilang kapwa Batangueno, hindi ako mapapagod na magbigay tulong sa aking tahanan."

Indeed, he may be residing in a different province now, but Allan continues to acknowledge that he is a true blooded Batangueno and will forever be one with his fellow kababayan.