A HOME FOR MANY

By Rachel Belando

Do not neglect to show hospitality to strangers, for by this some have entertained angels without knowing it. Hebrews 13:2

The eruption of Taal Volcano became a window for people to show how they could help others who are in most need. Aside from the Evacuation Centers, a lot of the people affected were welcomed into the homes of their fellow Batanguenos. One of these homes were of Ms. Rachel Belando and her family who welcomed 34 families or 101 individuals. Let us hear her story of volunteerism and sacrifice.

"Ako kasi ay isang Talisenyo din. Ang mother side ko ay taga-doon at doon din ako pinanganak. Ang mga tumuloy sa amin nung panahon na iyon ay mga kamag-anak ko din sa mother's side. Kaso kaya sila dumami ay dahil sa pamilya ng pamilya namin. Ang mga tito ko ay may mga byenan at hipag na kasamang nag-evacuate sa aming tahanan kaya umabot ng 34 na pamilya ang aming nakasama. Sa simula, naging mahirap ang sitwasyon dahil madami sila. Unang una, hindi namin alam kung paano ang budget sa pagkain dahil dumating din sila ng walang wala. Kailangan namin magsakripisyo upang mapunan ang kanilang mga pangangailangan sa buong linggo habang wala pang mga dumadating na donasyon. Kinailangan din namin mag-adjust at matulog sa lapag gamit ang sapin na karton para ibigay ang aming kama sa mga mas nangangailangan, lalo na sa mga bata. Nag-umpisa ang lahat na sa karton matutulog hanggang sa mga may nagbigay na ng banig para matulugan. Sa paglipas ng araw, dumadami na din ang tumutulong kaya unti unting nakakaahon.

Kahit na naging mahirap ay masaya pa din ang aking karanasan. Nakakataba ng puso kahit na pagod lalo na kapag may mga nakakausap akong tao na gustong tumulong. Madami akong natutunan sa karanasan kong ito. Unang una, nakita ko ang hirap ng pagiging isang evacuee pero naranasan ko din na mas mahirap maging volunteer. Natutunan ko na hindi imposibleng makatulong sa ibang tao basta gugustuhin mo.

Honestly, dumating ako sa punto na susuko na ako. Kasi nakalimutan ko na ang salitang kain at upo. Pagkagising ko kasi sa umaga ay kailangan asikasuhin ang mga sunod sunod na mabubuting taong gusto din magabot ng tulong. Sa kadahilanang yun, nakakalimutan kong nang umupo at kumain pero kapag nakikita ko ang ngiti ng mga nakitira sa amin, nawawala ang pagod ko. Masarap makatulong, maliit man o malaki ang aming naging paraan. Basta kasama ang Diyos sa lahat ng iyong ginagawa at bukal sa kalooban ang pagtulong, lahat ay mapagtatagumpayan."

Rachel and her family are just one of the many other families who opened their home to those who were affected. May this story teach us to be more generous in ways that bring us out of our comfort for us to see a different side to every story.