SMALL ACTS OF KINDNESS

Blog post from Gredy Shasen Diaz-Loyola

“Not all of us can do great things. But we can do small things with great love”. -Saint Mother Teresa.

Gredy is one of the many concerned Filipinos who wants to make an effort in providing aid to the affected brothers and sisters but doesn’t know where or how to start. From doing small things and through the help of his friends in the community of Youth For Christ, they were able to collect and provided a good number of donations and inspired more people to share even the little that they have.

“Ilang araw bago kami pumunta ng Batangas, iniisip ko kung ano ang pwede kong magawa para sa mga taong apektado. Nalulungkot ako sa mga balita at mas nalulungkot ako kasi hindi ko alam paano ako makakatulong. Gusto ko pumunta sa mga Relief operation centers pero walang malapit. Gusto ko mag donate pero alam kong hindi rin naman sasapat sa isang pamilya yung kaya ko maibigay.

Ilang gabi na pinagdadasal ko ang mga taong apektado at dasal ko din na sana may magawa rin ako para sa kanila. Sinagot ng Diyos yung dasal ko nung may natanggap akong message mula sa coordinator namin na hinihikayat kami na mag donate. Ang saya lang kasi alam ko na sa pagkakataong ito, kahit sa maliit na paraan, kung kasama ko yung community alam kong magiging malaking bagay yun at hindi nga ako nagkamali. Nakita ko kung paano nagpursige yung mga coordinators at ibang leaders para mangalap ng mga donasyon. Nabigyan nila ako ng inspirasyon para higitan pa yung kakayahan ko, humingi ako ng tulong sa mga dati kong kaChapter at umikot kami sa mga bahay bahay ng mga kakilala naming miyembro din ng aming community. Sobrang sarap sa pakiramdam kasi marami rami rin ang nagbigay ng donasyon.

Nung dinala na namin ang lahat ng nakolekta namin, nagulat ako sa sobrang dami rin ng mga nagdala ng mga donasyon. Sobrang nag uumapaw ang mga donasyon at nag uumapaw din ang saya na nararamdaman na maging parte nun. Noong kami’y nagrerepack na ng mga ka-Household group ko, hindi ko lubos maisip na magkakatotoo ang noo’y naisip ko pa lamang na pagtulong at ngayo’y nagkakatotoo na, at sila pa ang aking mga kasama. Hanggang bago kami pumunta ng Batangas, andami pa rin humahabol ng tulong. Sumama kami sa pag-deliver ng donasyon at nasa byahe pa lang, nakakakita na kami ng napakaraming sasakyan na may nakalagay din na “Relief for Taal”.

Nakakataba ng puso na nabubuhay yung “bayanihan” ng mga Pilipino sa ganitong pagkakataon.Pagdating namin sa evacuation centers, sinalubong kami nung mga volunteers. Kitang kita ko kung gaano karami ang mga donasyon at kung gaano karami yung mga tao na naglalaan ng pagod at oras nila para sa mga taong nasalanta.Hindi ko masukat yung saya na nararamdaman ko at nagpapasalamat ako sa Diyos kasi ginamit niya kaming daluyan ng grasya at pagmamahal niya. Praise God!”

Every little acts of kindness can bring a big impact to others. May Gredy be an inspiration to the people who are willing to give and help and be a blessing to other people.