HINDI MAKAKALIMOT

Makalipas ang higit isang buwan mula nang pumutok ang Bulkang Taal, binalikan ni Susan Mameng ang kanilang tahanan sa Sitio San Isidro, Talisay, Batangas. Ayon sa kaniyang salaysay, dito siya ipinanganak, lumaki, at nagkaroon ng pamilya. Sinariwa niya ang mga masasayang alaala ngunit imbis na sumaya ay labis ang kaniyang pagkalungkot. Nawalan sila ng tahanan at kabuhayan. Ilan sa mga mahahalagang bagay na kaniyang binalikan ay ang rosaryo na bigay ng kaniyang kapatid at ang wedding album nilang mag-asawa.

Ito ay iilan lamang sa libu-libong kwento ng mga nabiktima ng pagsabog ng Bulkang Taal. Katulad ng rosaryo at wedding album na binalikan ni Susan, nawa ay hindi natin makalimutan ang Diyos at ang ating pamilya sa mga ganitong pagkakataon.